23 rural improvement club member, sumailalim sa chili processing ng DOST-PSTC

Nasa 23 na myembro ng Rural Improvement Club mula sa bayan ng Benito Soliven ang kasalukuyang sumasailalim ngayon sa Chili Processing ng Department of Science And Technology –Provincial Science and Technology Center.

Ang naturang training ay upang palakasin ang kapasidad ng bawat isa at madagdagan ang kanilang kaalaman sa chili processing na maaring pagmulan ng kanilang kita.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ayon kay Provincial Director Lucio Calimag, ang DOST Industrial Technology Development Institute ay nagdagdag din sila ng livelihood technologies para sa paggawa ng Chili Sauce, Pickled Pepper, at Hot chili oil para sa kanilang pangkabuhayan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Hinimok naman ni PD Calimag ang mga trainees na tapusin ang naturang pagsasanay na maaring makatulong sa kanilang pamumuhay.

Dagdag pa niya na mananatili naman ang suporta ng kanilang tanggapan sa pagbibigay ng mga technology services lalo na sa mga remote areas ng probinsya.