2025 National Expenditure Program, naisumite na sa Kongreso; DepEd, nananatiling may pinakamalaking budget

Bubuhusan ng pondo ang mga programang lilikha ng maraming trabaho, magpapaangat sa kalidad ng edukasyon at magpapalakas sa pangangalaga sa kalusugan at social protection sa susunod na taon.

Ito ang siniguro ni House Speaker Martin Romualdez matapos ang pormal na pagtanggap sa 2025 National Expenditure Program ngayong araw.

Pormal na isinumite ni Budget Secretary Amenah Pangandaman sa Kongreso ang 6.352 trillion pesos na proposed national budget na mas mataas ng 10.1 percent kumpara sa kasalukuyang pambansang pondo.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Pinakamalaki ang alokasyon sa social services sector na may 2.121 trillion pesos o katumbas ng 33.4 percent ng kabuuang panukalang budget.

Sa government agencies, nananatiling top priority o may pinakamalaking proposed budget ang Department of Education na may 977.6 billion pesos; sumunod ang DPWH na may 900 billion pesos; Department of Health na may 297.6 billion pesos; DILG na may 278.4 billion pesos at Department of National Defense na may 256.1 billion pesos.

Sinabi ni Romualdez na malakas ang panawagan na madagdagan ang pondo ng social protection programs partikular ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program pati na ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Kinilala rin ng Speaker ang responsibilidad ng Kongreso na tiyaking mabubusisi ang pambansang budget at bawat pisong alokasyon sa mga ahensya ay mapupunta sa tamang proyekto at maingat na magagastos.

Paliwanag naman ni Secretary Pangandaman, kabilang sa naging basehan o evaluation sa paglalaan ng pondo ay ang fiscal space, absorptive capacity ng ahensya, nakahanay sa Budget Priorities Framework at Philippine Development Plan 2023-2028 at kahandaan sa implementasyon ng mga proyekto.