Dismayado ang samahan ng malalaking transport groups sa bansa, na kung tawagin ay ‘Magnificent 7’, sa planong suspension ng PUV Modernization Program.
Sa nagdaang pagdinig ng Committee on Public Services, isa sa mga nabuksan ay ang posibleng pag-adopt sa isang resolusyon na layong ipagpaliban na muna ang modernization.
Bunsod umano ito ng ‘improper planning’ at kakulangan sa konsultasyon sa mga kinauukulang sektor.
Sa isang press briefing – nagbanta ang ‘Magnificent 7’ na magkakasa rin sila ng sarili nilang tigil-pasada sakali mang ituloy ito ng Senado.
Anila, hindi raw katanggap-tanggap ang plano ng mga Senador.
Nagbanta rin sila na hindi iboboto ang mga senador na pipirma pabor sa resolusyon.