2024 National Budget na P5.7 Trillion, inaasahang aprubahan sa Kamara

Nangangako ang House of Representatives na aaprubahan ang sinusulong na P5.7 trillion national budget ng bansa bago isagawa ang break ng Kamara sa Oktubre.

Ayon kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, pinaplanong isumite ni Pangulong Bongbong Marcos ang budget proposal pagkatapos ng SONA ngayong araw.

Read More:  Teodoro probes possible spying at illegal POGO hub near military camps

Dagdag pa nito, limang linggo ang ilalaan ng Kamara para sa mga mga deliberasyon, pagsasaalang-alang, pagsusuri, at pag-apruba ng budget.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Para kay Romualdez, ang pag-apruba sa national budget ay maaring makatulong sa pagtaas ng ekonomiya ng bansa, paglikha ng mga trabaho, at iba pang importanteng social services gaya ng educkasyon, kalusugan, at imprastraktura.