2022 CBMS data nai-turn over na ng PSA sa huling batch na mga munisipyo sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE – Nai-turn over na ng Philippine Statistics Authority (PSA) Provincial Office ang 2022 Community- Based Monitoring System (CBMS) data sa nalalabing tatlong participating Local Government Units sa lalawigan ng Camarines Norte.

Ginawa ang ceremonial turn- over noong December 4 sa mga munisipyo ng Daet, Jose Panganiban at Sta Elena.

Itinurn- over sa mga LGU ang data sa pamamagitan ng symbolic flash drive kung saan pumirma ang mga ito sa Data Turn- Over Agreement (DTA) kalakip ang kasunduan sa striktong pagtalima sa data security protection alinsunod sa Data Privacy Act of 2012.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Ayon sa PSA, ang Data Turnover Ceremony ay hudyat umano ng isang ‘significant milestone’ para itaguyod ang inclusive development at lumikha ng evidence- based planning para sa mga nabanggit na bayan.

Dahil dito nakumpleto na ang data turn- over sa anim na bayan sa lalawigan.

Matatandaan na unang nagsagawa ng turn over ng CBMS data noong Oktubre sa unang batch ng mga munisipyo, ito ay ang San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Mercedes.

Ang Mercedes ang pinaka unang LGU funded CBMS sa Bicol na nakuha na ang data at nai- turn over sa Alkalde habang ang San Vicente at San Lorenzo naman ay PSA funded.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Una  na ring sinabi ni PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao na maraming makukuhang datos dito na malaking tulong sa mga LGU.

Dati na ring hinikayat ng opisyal ang mga LGU sa lalawigan magsagawa rin ng CBMS kahit hindi ito mandatory. Plano naman ng PSA na sa 2024 ay funded na lahat ng national government ang pagsasagawa ng CBMS upang hindi na mahirapan lalo na ang mga maliliit na munisipyo.