CAMARINES NORTE – Iniimbistigahan na ng Philippine National Police ang kumakalat na post sa social media hinggil sa di umano’y wanted person na pagala- gala sa iba’t- ibang barangay sa bayan ng Basud, Camarines Norte na nagsisilbing banta sa seguridad ng mga residente.
Sa mensahe sa Brigada News FM Daet, sinabi ni PMaj Eva Guiruela na nagsasagawa na ng follow- up operation ang mga operatiba sa lugar kung saan umano ito namataan.
Batay kasi sa post sa facebook ng ilang personalidad wanted umano ang lalaki sa isang munisipyo dito sa Camarines Norte sa kasong pagpatay.
May isa din di umanong dalagita na muntik na rin nitong ma- rape.
Ayon sa PNP bineripika na nila sa munisipyong sinasabing wanted umano ang lalaki kung mayroon itong warrant of arrest pero wala raw ito sa system kaya sa korte na mismo magbeberipika ang kapulisan.
Sa ngayon wala pang opisyal na pahayag ang mga awtoridad ukol dito.
