CAMARINES NORTE- Naging bahagi ang nasa dalawang daang mga mamamayan kabilang ang mga IPs o Indigenous People mula sa mga Barangay ng Bayabas at Gusican ng bayan ng Labo at Barangay bulala ng Sta Elena sa mismong pagdiriwang ng ika 27 taong anibersaryo ng TESDA.
Sa nasabing pagdiriwang, isinagawa din ang TESDAMAYAN program na pinangunahan mismo ng TESDA Camarines Norte sa pangunguna ni Tesda Provincial Director Engr Eduardo Bonagua, kasama ang mga ahensiya ng DOLE, at NCIP, maging ang kinatawan ng mga tatlong barangay, at pati na rin ang mga training institutions ng TESDA.
Namahagi ang TESDA sa mga beneficiary ng mga food packs, kung saan kasama dito ang mga gulay, bigas, kape, noodles, delata atbp.



Nagkaroon din ng bahagi ang Camarines Norte Police Provincial office sa pamamagitan ni PLCol Rogelyn Peratero dahil nagkaloob din sila ng halos nasa dalawang daang pakete ng mga bigas.
Samantala, naging laman ng mensahe ni Labo Municipal Administrator Jojo Francisco ay ang Paghikayat nito sa mga katutubo na pahalagahan ang kanilang pag-a-aral at paghimok nito na maging bukas sa anumang pagsasanay na iniaaalok ng TESDA para mas madali silang makakuha ng trabaho at maiangat ang buhay.
