NAGA CITY- Nabisto ng Goa , Camarines Sur Municipal Health Office ang mga pekeng COVID-19 test result sa 9 na pasahero na galing sa Maynila.
I-tinurn over sa PNP Goa nina Dr. Diosdado Fuentebella, Municipal Health Officer ng RHU-Goa, kasama ang nurse na si Jaypee Pares, ang siyam na magkakaanak; isa sa mga ito ay menor de edad, pito ay mga residente ng Brgy. Catagbacan habang ang dalawa ay residente ng Barangay Matacla parehong bayan.
Gayundin ang driver ng unang van na si Richard Bandala , 39-anyos residente ng Valenzuela City at assistant driver na si Teofilo Magno Jr, 49 –anyos ng Moonwalk, Parañaque City at driver ng pangalawang van kung saan nakakarga ang mga bagahe na si Ricardo Codelana , 42- anyos ng Cainta, Rizal.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMaj. Bernardo Peñero, OIC ng Goa Municipal Police Station sinabi nitong, sa pagbusisi sa mga dokumento natuklasan ng Public Health Nurse at personahe ng Goa Municipal Epidemiological Surveillance Unit (MESU) na peke ang mga COVID- test Results, hindi rehistrado ang laboratoryo sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Ayon sa mga pasahero ang nasabing mga driver ang nag provide ng mga peke palang dokumento. Nag bayad sila ng P32-libo para sa pasahero at mga kagamitan sa bahay.
Sinabi ni Peñero na ang mga umuwi ay isinailalim na sa quarantine at magiging testigo habang kinumpiska na ang mga driver’s licenses batay na rin sa patakaran ng Land Transportation Office o LTO kakasuhan ang mga driver ng paglabag sa R.A. 11332 o An act Providing Policies and Prescribing Procedures on Surveillance and Response to Notifiable Diseases, Epidemics, and Health Events of Public Health Concern.