NAGA CITY –20 na mga Persons Deprived of Liberty o PDL ang kasama sa Alternative Learning System o ALS Program ng Department of Education sa Tigaon District Jail.
Ito ang napag-alaman kay Jail Warden JINSP Edgar Francisco na may 20 mga PDL ang naka-enroll sa programa, na ngayon naghahanda para sa kanilang final evaluation at validation.
Sa patuloy na pakikipagcoordinate naman nila sa DepEd, tanging mga personahe na nila ang nagtuturo sa mga PDL.
Tuloy din ang panghihikayat nila sa kanilang mga PDL na sumali sa programa lalo na isa rin ito sa paraan bilang pagpapakita ng pagmamahal, nais rin kasi ng naturang himpilan na mas maging progresibo at produktibo pa ang mga ito na maaari rin nilang ipagpatuloy sa bagong buhay sa labas.