Lalaki, arestado sa gun buy-bust operation sa Legazpi City;

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lalaki sa isang gun buy-bust operation sa Zone 8, Brgy. Bitano, Legazpi City.

Kinilala ang suspek na si Samuel Berdin Mendina, residente ng Purok 2, Brgy. Capantawan ng nasabing lungsod.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Ayon sa report, pinagbentahan ng suspek ang poseur buyer ng undocumented o hindi lisensyadong baril na black widow sa halagang mahigit PHP4,000.

Read More:  Public school teacher arrested in Davao del Oro drug bust

Nang magkaabutan na pera at item, dito na siya tuluyang inaresto ng mga otoridad.

Nasa kustodiya na ito ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.