2 US nationals na umano’y mga pedophiles, naharang sa Mactan at NAIA

Dalawang Amerikanong pedophile, na dating hinatulan sa kasong sex crimes laban sa mga menor de edad, ang hinarang at pinagbawalang makapasok sa bansa ng Bureau of Immigration (BI) sa mga international airport sa Manila at Cebu.

Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, sinabi ng border control and intelligence unit (BCIU) na parehong naharang ang mga pasahero at agad pinabalik ng kanilang pinanggalingan matapos makumpirma ng mga opisyal na mayroon silang mga rekord ng mga convictions para sa sex offenses sa US.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Kinilala ang mga dayuhan na si Carvin Renee White, singkwentay siyete-anyos, na dumating sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) sakay ng Cathay Pacific flight mula Hong Kong, at si Scott Edward Edson, kwarentay siyete-anyos, na dumating sa NAIA Terminal 3 sakay ng United Airlines flight mula sa Guam.

Nabatid na sa impormasyon ng US government na noong 2002 nang hatulan ng Alabama court si White dahil sa kasong sexual misconduct sa isang 14-anyos na dalagita.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Samantala, si Edson ay hinatulan noong 1994 dahil sa panghahalay sa isang 13-anyos na bata.

Kapwa inilagay na sa BI blacklist ang dalawang dayuhan upang hindi na makabalik sa bansa.

Agad silang na-book sa unang available na flight papunta sa kanilang pinanggalingang bansa bilang resulta ng desisyon ng BI para sa pagiging undesirable aliens.

Sinabi ni Tansingco na sa kasalukuyang taon ay limang alien sex offenders ang naharang ng BI.