Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Taguig na maglulunsad sila sa darating na January 20, Sabado ng “Taguig Love Caravan- Medical and Dental Mission” sa barangay ng Pitogo at Pembo.
Ito ay bilang tulong sa mga residente nito matapos ang biglaang pagsasara ng mga health centers sa EMBO barangays.
Sa ilalim nito ay magpapaabot ng mga libreng health services ang Taguig tulad ng medical consultation, prenatal check-up at tooth extraction.
Samantala, pinaalalahan naman ng Taguig na ang schedule na ito ay para lamang sa Barangay Pitogo at Pembo.