Ivana Alawi, top content creator ng Pilipinas sa Youtube para sa 2021

Kinilala ang vlogger na si Ivana Alawi bilang top YouTube content creator ngayong 2021.

Bilang reaksyon sa kaniyang panibagong achievement ay sinabi ni Alawi sa kaniyang Instagram story na wala na siyang ibang masabi kungdi “thank you.”

Kung pagsasamahin ang mga views ni Alawi sa kaniyang 122 videos ay lumalabas na aabot ito sa halos 1-bilyon.

Sa kasalukuyan ay mayroong 14.4-million subscribers si Alawi, mula nang mabuo ang kaniyang YouTube channel noong June 2018.

Bukod naman sa pagiging top content creator ay napabilang ang kaniyang video kung saan ay gumawa ito ng prank sa kaniyang ina, ang naging isa sa pinaka-pinanuod na videos sa YouTube ngayong 2021.

Mababatid na kasama ni Alawi sa listahan ng top 10 content creators ang vlogger na si Zeinab Harake, ang celebrity sisters na sina Alex at Toni Gonzaga, at ang komedyante na si Vice Ganda.

Pasok rin sa listahan sina Donnalyn Bartolome, Skusta Clee, Mika Salamanca, Hash Alawi, at Cong TV.