Arestado ang dalawang tsuper dahil sa pangmomolestya sa isang babaeng pasahero at nasamsaman din ng iligal na droga sa Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang mga suspek na sina Joel Agravante, 32 anyos, single, residente ng Brgy. Sotero Nuesa at George Peter Lucas, 37 anyos, may asawa na residente ng Brgy. San Rafael kapuwa sa bayan ng Roxas, Isabela.
Habang ang biktima ay kinilala sa pangalang Angel, 18-anyos, single at mula sa Bulacan.
Sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, nakatanggap umano ang himpilan ng report mula mismo sa biktima kaugnay sa pangmomolestya sa kaniya ng dalawang suspek.
Agad namang rumispunde ang kapulisan na nagresulta sa pagkakaaresto kina Agravante at Lucas.
Nakumpiska rin sa mga pinaghihinalaan ang dalawang piraso ng plastic transparent sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu, pera na nagkakahalaga ng mahigit 22, 000 pesos sa iba’t-ibang denomination, IDs, cellphone at bag.

Samantala, sa eksklusibong panayam ng 92.9 Brigada News Cauayan sa mga suspek, inamin nilang sa kanila ang mga nakumpiskang iligal na droga at ang pangmomolestya sa biktima.
Batay sa kanilang salaysay, bumibyahe ang mga ito mula sa Manila patungong Isabela o vise-versa at gumamit umano ng shabu bilang pantanggal ng antok.
Mahaharap sina Aggravante at Lucas sa kasong sexual harassment at paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.