SORSOGON CITY – Nagpakita ng pagbaba sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mga pasyenteng nag-enrol sa pag-aaral ang community trials ng virgin coconut oil (VCO) bilang adjunct treatment para sa mild COVID-19 cases.
Ayon kay Philipppine Coconut Authority (PCA)-Bicol Albay Reaserch Center Incharge Researcher Josephine Nieva , na ang trials sa pasilidad sa Sta. Rosa, Laguna ay nagpakita na ang VCO ay nagpababa ng 60 hanggang 90 percent ng virus count sa mild-cases.
Giit ni Nieva, ito ay consistent mula sa ginawang community trials.
Samantala, ang resulta naman sa clinical trial na ginawa ng Philippine General Hospital (PGH) sa mild at severe cases ay ina-analyze pa, at sa katapusan ng Oktubre o Nobyembre ay maibabahagi na ito sa publiko.

Kung babalikan, inumpisahan noong Abril ng nakaraang taon ang pag-aaral sa VCO kung nakakagamot nga ba ito laban sa Covid-19.
Subalit, inuna muna ng DOST na pag-aralan kung magiging epektibo itong supplement laban sa nasabing virus, at kapag naging matagumpay na, ay saka itutuloy ang pag-aaral kung puwede itong gawing lunas sa Covid-19.