2 sugatan sa salpukan ng dalawang motorsiklo nitong Pasko

Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital ang dalawang riders makaraang magsalpukan hapon noong Pasko sa Purok 1, Brgy Aroroy sa bayan ng Juban, Sorsogon.

Kinilala ang mga biktima na sina Jeffrey Yosores, 28-anyos naninirahan sa Brgy Añog at Stan Gomez, 51-anyos, residente ng Brgy North Poblacion ng parehong bayan.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Sa ulat na natanggap ng Brigada News mula sa Juban MPS, head on collision ang nangyari at pareho umanong may pagkakamali ang dalawang riders dahil parehong napakabilis ng takbo ng mga ito.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Isinugod sa Sordoc Hospital si Yosores habang si Gomez ay inilipat sa BRTTH sa Albay.

Wala pang update ang Pulisya sa kung ano na ang kalagayan ng dalawang biktima habang nasa ospital.