NAGA CITY – Nagsagawa ng deworming, vaccination at castration sa mga alagang hayop sa upper barangay ng Naga City ang mga personahe ng City Veterinary Office ,na kung saan nabakunahan ang nasa mahigit 30 iba’t-ibang alagang hayop, tulad ng baka, kalabaw, kambing at baboy.
Ayon kay Maricel Almazar, admin officer ng CVO ang programa nilang ito ay whole-year activities mula Enero at hanggang ngayong Disyembre.
Sa panayam sa kanya ng Brigada News FM Naga, sinabi nito na bagamat wala namang malalang sakit ang mga hayop, ang bakuna at deworming ay malaking tulong para sa resistensiya ng mga ito, laban sa mga posibleng sakit na makukuha sa paligid.
Ang mga barangay na pinakahuling napuntahan nila ay ang Barangay Carolina, Pacol at Panicuason.
Sa record na inilabas ni Almazar, sa kabuuang taon 2022, nakapag deworm at nakabigay sila ng vitamins sa 824 na mga hayop pati na rin sa vaccination, na may kaparehong bilang.
Nagsasagawa rin sila ng regular na monitoring sa mga ito.