Ilang barangay, aminadong nahihirapang tugunan ang problema sa pagkakaroon ng sapat at malinis na tubig

Sa kabila ng puspusang pagpapaganda ng serbisyo ng tubig ng bawat LGU sa pamamagitan ng Water District aminado ang ilang Barangay sa lalawigan na nahihirapan pa rin sila na tugunan ang problema sa tubig sa kanilang lugar.

Sa panayam ng Brigada News, sinabi ni Poblacion Castilla Barangay Captain Alex Sotto na kahit kasi mayroon silang naiisip na mga konsepto sa pag-aayos ng water service kailangan pa rin nilang sumunod sa kung ano ang magiging desisyon ng LGU lalo pa’t kulang rin sa pondo ang kanilang barangay at kung minsan ay nahahaluan pa umano ng pamumulitika at personal na usapin.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu
Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa ngayon nananatili paring problema sa lugar ang kakulangan ng sapat na supply ng tubig kung kaya’t diskarte nalang aniya sa pagtitipid ng tubig ang kanilang ginagawa upang makaraos sa pang araw-araw.