2 second class cadets ng PNPA, dinismiss dahil sa paglabag sa kanilang Honor Code and System

Dinismiss ng Philippine National Police Academy o PNPA ang kanilang dalawang second class cadets na kabilang sa Class 2025 dahil sa paglabag sa Honor Code and System.

Ayon sa PNPA ang dalawa ay iniulat na nagkaroon ng hindi awtorisadong withdrawal sa ATM cards ng kanilang mga kaklase.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Sinuspinde din ng PNPA at ibabalik sa lowerclass ang isang second class cadets mula rin sa class 2025 dahil sa paglabag sa strict code of discipline ng akademya.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Ayon kay PNPA Acting Director/Superintendent
PBGEN Samuel Nacion, ang dismissal at suspension ay naaayon sa pangako ng akademya na itaguyod ang pinakamataas na pamantayan ng karangalan at kanilang integridad.