DMW officer-in-charge Cacdac – nangakong itutuloy ang magandang naumpisahan ni late Sec. Toots Ople

Nangako si Department of Migrant Workers officer-in-charge Hans Leo Cacdcac na magpaaptuloy ang mga magagandang programa ng Kagawaran.

Ito nga ay matapos siyang i-assign bilang OIC ng DMW dahil sa pagpanaw ng kauna-unahan nitong kalihim na si Sec. Susan ‘Toots’ Ople.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa isang panayam – sinabi ni Cacdac na aminado siyang malaking hamon ang assignment na ito at mabigat ang kaniyang papasaning responsibilidad.

Sa kabila nito, siniguro niyang ipagpapatuloy niya ang magandang nasimulan ni Sec. Ople.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Inaaral an rin daw nila ang pagpapalawig pa sa mga pondong gagamitin para sa legal assistance sa mga oveseas Filipino workers (OFWs) na nangangailangan nito partikular na ang P1.2Billion ‘AKSYON fund.