Lalo pang lumapit sa Ukraine capital city na Kyiv ang tropa ng Russia matapos ang convoy ng malaking Russian armour palapit sa nasabing lungsod.
Sa sattelite video na lumabas, kita ang napakaraming sasakyan ng tropa ng Russia na gumagalaw palapit sa Kyiv.
Kaugnay nito ay umalingawngaw ang sirena sa Kyiv dahil sa mga report ng pagsalakay ng Russian troops.
Samantala, naiulat naman ng Ukraine na umabot na sa halos 100 sibilyan kabilang ang ilang mga bata ang patay sa missile strikes ng Russia sa ikalawang lungsot ng Kharkiv.

Marami din ang nababahala sa pag-alerto ni Russian President Vladimir Putin sa kanilang tropa kabilang ang nuclear weapon ng kanilang bansa