2 rider, arestado sa Pasay dahil sa pagbebenta ng mga nakaw na gamit

Dalawang delivery rider ang naaresto sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Pasay City Police Station dahil sa pagbebenta ng mga ito ng mga nakaw na gamit.

Nag ugat ang operasyon matapos makatanggap ng ulat ang pulisya na may ibinibenta ang mga suspek na air purifier sa facebook marketplace sa halagang 97,000.

Ayon sa pulisya, napaulat na nawawala ang ibinibentang air purifier noong May 16.

Nasa kustodiya na ngayon ng Pasay City Police ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa anti-fencing law.