CAMARINES SUR- Daan-daang mga titulo ng lupa ang ipinamahagi sa Camarines Sur.
Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Department of Agrarian Reporm (DAR) Secretary Conrado Estrella III ang distribusyon ng 548 Certificate of Land Ownership Awards (CLOAs) sa ilalim ng Comprehensive Angrarian Reform Program (CARP) ng ahensya at 423 Electronic Land Titles (E-Titles) sa ilalim naman ng Support to Parcelization of Lands for Individuals Titling o Project SPLIT.
Sa kabuohan 2, 115 titulo ang naibigay ng DAR sa buong kaBicolan. Ayon sa Pangulo nawa’y pagyabungin ang lupa.
Puno ang Fuerte Sports Complex sa Pili, Camarines Sur marami rin ang nag-abang sa capitol grounds dahil bukod sa titulo ng lupa namahagi rin ng mga kagamitang pansaka sa mga agrarian reform beneficiaries organizations , gayundin iba pang mga tulong mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Nagkaroon din ng ceremonial turn over ng ayuda para sa mga magsasaka at mangingisdang labis na naapektukan ng El Niño Phenomenon.