2 patay matapos malunod sa Nasugbu, Batangas nitong Semana Santa

Binawian ng buhay ang isang 76 anyos na senior citizen matapos na malunod habang naliligo sa dagat sa Sitio Hulo, Barangay Calayo, Nasugbu, Batangas dakong 6:00 ng umaga kahapon ng Linggo ng Pagkabuhay, Abril 09, 2023.

Kinilala ng Nasugbu Municipal Police Station ang biktima na si Hipolita Legaspi y Magsino, balo at residente ng Purok 4, Barangay Luyos, Tanauan City, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, naliligo ang biktima sa dagat kasama ang kanyang mga kamag-anak ngunit bigla itong napunta sa malalim na bahagi dahil sa malakas na water current.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Agad na sumaklolo ang mga residente sa area at nakuha mula sa tubig ang wala nang malay na biktima.

Dinala pa ito sa Ospital ng Nasugbu ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Samantala, patay naman ang isang 30 anyos na biktima matapos na malunod habang naliligo sa ilog sa Barangay Munting Indang ng naturang bayan dakong alas-2:00 nitong Biyernes Santo, Abril 7, 2023.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Kinilala ang biktima na si Rexie Detaonon na residente ng naturang barangay.

Hindi na umano nakaahon ang biktima habang nasa malalim na bahagi ng ilog dahil sa malakas na water current.

Sinubukan itong i-revive ng mga residente sa area ngunit wala nang itong malay ng makuha mula sa tubig.

Agad itong dinala ng MDRRMO rescue team sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.