NFA Sorsogon, nilinaw ang dahilan kung bakit hindi na nagbebenta ng murang bigas

Sa harap ng mataas na presyo ng bigas, nilinaw ng pamunuan ng National Food Authority Sorsogon ang dahilan kung bakit wala nang ibinibentang mga NFA rice sa merkado, sa mga barangay at sa mga retailers outlet.

Ayon kay NFA Sorsogon-Masbate Branch Manager Julie Llenaresas, dahil sa Rice Tarrification Law ang pagbebenta ng ahensya ng murang bigas ay natigil na kung saan ang tanging function na lamang umano nila ay procurement o pagbili ng aning palay sa mga local farmers upang maging buffer stock na inilalaan naman sa panahon ng mga kalamidad at emerhensya.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit wala na silang kontrol sa presyuhan ng bigas sa merkado dahil wala nang kompetensya at tanging mga traders na lamang ang nagbebenta nito.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Hindi umano katulad ng dati na bukod sa maaari nilang ma-stabilize ang presyo nito ay otorisado din silang hulihin at patawan ng penalidad ang mga mapagsamantalang traders na nagbebenta sa mataas na presyo. Kung matatandaan sa mga nakalipas na taon sa mga panahon na mataas ang presyo ng bigas pinipilahan ng publiko ang murang bigas na ibenebenta ng NFA.