Lalaking scammer, tinakasan at pinagnakawan ang mahigit 100 mga babae matapos na pakasalan

CERTIFIED scammer kung ituring ang lalake na kinilala at tinagurian ng Guinness bilang ” Most Bigamous Wedding” matapos nitong , pakasalan , lokohin at takasan ang mahigit 100 na kababaihan sa 27 na iba’t- ibang estado ng US at 14 na mga bansa nang hindi man lang ito nakikipag-deborsiyo.

Hindi matukoy kung sino at ano talaga ang tunay na pagkakakilanlan ng nasabing lalake ngunit base sa ulat huli nitong ginamit ang ngalan na Giovanni Vigliotto mula sa huli nitong nabiktimang babae.

Gumagamit umano ng pekeng pagkakakilanlan ang suspek tuwing naghahanap siya ng kanyang mga bagong ibibiktima.

Karamihan sa mga nagiging asawa ni Giovanni ay nakikilala niya sa ‘flea market’ dahil duon din niya ibinebenta ang mga bagay na ninanakaw niya, kasabay ng paghahanap niya ng panibagong lolokohin.

Matapos makapag palagayan ng loob ay kaagad na aayusin ni Giovanni ang kasal , saka nito sasabihin na siya ay nakatira sa malayong lugar kaya kelangan nilang maghanda at mag impake , matapos ang lahat lahat, biglang maglalaho si Giovanni kasama ang mga ari-arian ng kanyang napangasawa at hindi na muling magpapakita pa.

Isa sa mga biktima nito na nagngangalang Sharon Clark ang hindi sumuko para pagbayarin ang suspek.

Natunton ito sa Florida, kung saan rin ito matagumpay na naaresto at kalaunan ay hinatulan ng korte daan upang makamit ng kanyang mga biktima ang katarungan.

Si Vigliotto ay sinentensiyahan ng kabuuang 34 na taon sa bilangguan; 28 para sa pandaraya at anim para sa bigamy pinagbayad din siya ng multa na nagkakahalagang $336,000.### CD