Pormal nang nagsumite ang Department of Interior and Local Government ng rekumendasyon nito bilang susunod na hepe ng Philippine national Police.
Ito ay sa gitna ng nalalapit na pagreretiro ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa May 8, bisperas ng eleksyon.
Sa panayam, sinabi ni Interior Secretary Ed Año na inirekumenda na nila ang dalawang senior officials ng PNP.
Sa kabila nito, kanyang nilinaw na magsisilbi lamang ito bilang OIC dahil sa appointment ban.
#
