2 mula sa 5 health workers sa buong mundo hindi pa fully vaccinated – WHO

Kinumpirma ng World Health Organization na tinatayang nasa 80,000 hanggang 180,000 health workers ang namatay dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa WHO, ang nasabing bilang ay naitala lamang mula January 2020 hanggang Mayo ngayong taon.

Kaugnay nito, sinabi ni WHO head Tedros Adhamon Ghebreyesus na dapat prayoridad sa pagbabakuna ang mga healthcare workers.

Kinondena din ni Ghebreyesus ang hindi patas na distribusyon ng mga bakuna Una nang nagbabala ang ilang opisyal ng WHO na ang kakulangan sa bakuna ang dahilan ng posibleng pagpapatuloy ng pandemya hanggang sa susunod na taon.

Base sa datus mula sa 119 na mga bansa, dalawa sa limang healthcare workers sa buong mundo ang fully vaccinated Tinataya namang nasa 135 million ang bilang ng mga healthcare workers sa buong mundo.