Pharmally executive naglabas ng saloobin vs Blue Ribbon matapos i-cite in contempt

Naglabas ng saloobin ang ilang mga personalidad na idinidawit sa umano’y anomalya sa transaksiyon ng gobyerno at kumpanyang Pharmally.

Sa isang press statement na inilabas ng kampo ni Pharmally Pharmaceutical Corporate Secretary Mohit Dargani sinabi nitong hindi umano naging patas ang pagtrato ng Senate Blue Ribbon Committee sa kanila.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Dagdag pa ni Dargani hindi nakikinig sa kanilang mga paliwanag ang mga senador at pinipilit ng mga ito na ma-incriminate sila o magmukhang guilty ang kanilang sarili.

Para umano silang hostage na ginagamit lamang sa pulitika lalo na ngayong malapit na ang eleksiyon.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Magugunitang pina-aaresto ng senado ang magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani matapos itong i-cite in contempt dahil sa hindi nito pagdalo sa nakaraang hearing ng senado.