Karagdagang 4 na kambing sa Negros Oriental, inatake umano ng ‘sigbin’

Muling naalarma ang mga residente ng Sitio Agro, Barangay Candabong, Manjuyod, Negros Oriental sa malagim na pagkamatay ng iilang mga kambing sa kanilang lugar nitong umaga ng Linggo, Agosto 04, 2024.

Naabutan ng may-ari ang kanyang apat na mga alagang kambing na wala ng buhay at may mga malalaking sugat sa tiyan.

Isa rito ang wala nang lamang loob.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ayon sa Joel Calidquid, kapitan ng nasabing lugar na hindi ito ang unang pagkakataon na may ganoong insedente sa kanilang lugar.

Kaugnay nito, pinayuhan ang mga residente na mas maiging huwag ng paabutan ng gabi ang mga alagang hayop sa bukid upang maiwasang atakihin ng hindi pa matukoy na hayop.

Samantala, hinimok niya ang mga nakaranas ng kaparehang insedente na mag-ulat sa barangay upang mabigyan ng assistance.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Maalala, noong Hulyo 29, 2024, kaparehang insedente rin ang nangyari sa Bindoy, Negros Oriental kung saan inamin ng anak ng may-ari na nadatnan nya ang umatake sa kanilang mga kambing.

Sa kanyang paglalarawan, mala-aso umano ang anyo nito na may mahahabang pangil.

Iilan sa mga netizens ang nagsabing baka wild dog o sigbin umano ang responsable sa pag-atake.