2 mining company sa Palawan at DENR- MGB, kailangang magpaliwanag sa Supreme Court- Palawan NGO

Kinakailangan na magpaliwanag ng Mines & GeoScience Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng dalawang mining company sa Palawan bunsod ng iginawad ng “Writ of Kalikasan” ng Supreme Court nitong Miyerkoles.

Ayon sa Environmentalist na si Atty. Georthy Mayo- Anda, sa loob ng sampung araw ay pinagpapaliwanag ng korte ang DENR, Ipilan Nickel Corporation (INC) at Celestial Nickel Mining Exploration Corporation (CNMEC) na hindi nito nailalagay sa panganib ang karapatan ng komunidad at mga katutubo sa Brookes Point.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Nakasaad kasi sa reklamo ng IP Community sa korte na maraming pagkukulang ang ahensya pagdating sa seguridad sa kapaligiran at pamumuhay ng katutubo.

Maliban rito, inuutasan din ng dalawang korporasyon na ipaliwanag sa korte na talagang hindi mapanganib sa komunidad at kalusugan nito ang mining operation partikular sa Brookes Point.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Sa kabilang banda, naniniwala si Atty. Anda na ang Palawan ay nalagay sa panganib dahil sa mining operation maliban pa sa mga epekto ng deforestation simula noon.

Samantala, maaari pa umanong umapela ang nabanggit na mining companies sa Court of Appeals para makakuha ng Temporary Restraining Oder (TRO) na siyang tanging makakapag-pahinto sa inihaing Cease and Desist Order (CDO) ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP-Palawan) nitong Miyerkoles.