NAGA CITY – Mas marami pang mga proyekto at mga investors ang darating sa Naga City kung tuluyan ng madeklarang Highly Urbanized City ng National Government sa pamamagitan ng pag-aparoba ng Office of the President.
Mga infrastructures, mula sa kalsada at mga buildings ang puwede pang maitayo sa lungsod, bukod pa sa mga local and national investors na inaasahang patuloy na darating sa lungsod.
Ito ang mga senaryong nakikita ni City Councilor Jose Perez, Chairman ng Investment, Trade and Economic Enterprises, sakaling paboran ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahilingan ng LGU-Naga.
Anya’y bukod sa may mga tumutulong naman mula sa Senado at kamara para maisakatuparan ang inaasam na Highly Urbanized City.
Sinabi pa ni Perez, na kabilang ito sa mga inaasikaso ni City Mayor Nelson Legacion, tuwing may official business ito sa Metro Manila, ang makipag-meeting sa mga posibleng mga makakatulong.
Una na ring binanggit ni Mayor Legacion ang ilan sa mga Senador na tumutulong sa kanila sa kanyang unang pakikipagharap sa Brigada News FM Naga.