2 mangingisda sa Camarines Sur, narescue

NAGA CITY- Ligtas na ang dalawang mangingisda sa Presentacion Camarines Sur na napaulat na nawawala.

Ang mga mangingisdang sina Anjo Fernandez Hapa, 24-anyos ng Barangay Lagha at Joland Buenavidez Fernandez, 28-anyos ng parehong lugar ay umalis sa Lagha bandang ala-1 ng madaling araw nitong Enero 3 pa. 

Rumisponde naman ang MDRRM Office personnel nang makita ang panawagan ng pamilya sa facebook post, inalerto rin ang mga Barangay Officials.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Sa kabutihang palad  naman nakita sila nina Jimmy Paat  at alyas Lanit, mga mangingisdang residente ng Lagonoy ,  sa may bahagi na ng Sagñay.

Napag-alaman na lumubog ang sinasakyan nina Hapa at Fernandez, lumala ang butas ng bangka na rinimedyohan sana ng epoxy bago sila muling pumalaot ng madaling araw.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Halata ang pagod sa kanilang mga katawan at mata nang makausap ng MDRRM personnel. Gayundin ang lamig sa katawan bakas pa sa kanilang mga kamay. Tininggan ang kalagayan ng kalusugan ng mga ito at nakauwi na sila sa kani-kanilang tahanan kaninang hapon.