Mga nakatira sa mga bahaing lugar sa Naga City muling inabisuhang maging alerto dahil sa halos magdamagang pag-uulan

NAGA CITY – Halos maghapon at magdamagan na naman ang nangyaring pag uulan sa buong Naga City kahapon dahilan para mangamba na naman ang mga barangay officials na binabaha ang lugar pag ganitong panahon.

Tulad ni Punong Barangay Allan Beriso ng Barangay Triangulo na mula pa kahapon ay binantayan na ang ilang zona nilang laging binabaha tulad ng zone 3 , 4 at zone 7.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ayon pa sa opisyal, pag ganitong sitwasyon alam na ng mga apektadong pamilya ang gagawin na lumikas patungo sa JMR Coliseum na malapit din lang sa kanilang lugar.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

May bago at malaking drainage canal naman sila, ayun pa kay Beriso subalit madali itong mapuno ng mga basura, kaya baha pa rin sa lugar nila pag ganitong halos magdamagan ang pag-uulan.