Aktibong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte bahagyang bumaba pero nananatili sa double digit

CAMARINES NORTE- Bahagyang bumaba ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa lalawigan ng Camarines Norte pagpasok ng 2023 pero nananatili pa rin ito ngayon sa double digit.

Sa datos ng Provincial Health Office as of January 3, 2023 nasa 44 ang aktibong kaso na mas mababa sa mahigit 50 sa huling  linggo ng 2022.

Pinakamarami ang aktibong kaso sa Paracale na nasa 12 at ito rin ang may pinakamababang vaccination coverage na hindi pa umabot sa 70 porsiento sa pagtatapos ng 2022.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Double digit din ang active cases sa karatig na bayan ng Jose Panganiban na mayroong 11.

Ang ibang mga bayan ay mababa na ang aktibong kaso tulad ng Vinzons na may walo, apat sa San Lorenzo Ruiz, tatlo sa Capalonga, dalawa sa Mercedes at may isang aktibong kaso pa sa Daet, Labo, San Vicente at Talisay.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Habang wala nang aktibong kaso s amga bayan ng Basud at Sta Elena.

Nauna nang sinabi ng PHO na posibleng tumaas muli ang aktibong kaso na resulta ng kaliwa’t kanang mga pagtitipon noong Disyembre.

Sumampa na sa 4, 633 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa lalawigan mula noong 2020

Sa bilang na ito  272 ang nasawi o 5. 8 percent at at 4, 317 o 93. 18 percent ang gumaling.