2 dating miyembro ng CTG, isinama sa kauna-unahang Presentation of Former Rebels Program sa Camalig, Albay; anti-personnel landmine, isinurrender

LEGAZPI CITY – Isinama sa kauna-unahang Presentation of Former Rebels Program sa Camalig, Albay ang dalawang (2) dating miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG).

Ginawa ito sa Mytallic Building sa Munisipyo ng bayan kung saan layuning nitong ipakita sa mga former rebels ang hindi natitinag na suporta ng gobyerno para sa kanilang pagbabagong buhay at pag-unlad habang bilang tanda na rin ito ng pagsisimula ng iba’t ibang mga programa na idinisenyo upang ang mga sila ay matulungan.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Sa pahayag naman ni Alkalde Caloy Baldo, kanyang binigyan-diin kung gaano kaimportante ang presensya at suporta ng gobyerno lalo na sa pagsiguro na magkaroon sila ng hanapbuhay na kayang umalalay sa pangaraw-araw at kanya namang sinabi na kung may kailangan ay lumapit lamang sa LGU.

Samantala, kasabay nito ay isinurrender din ng former rebels ang isang anti-personnel landmine  na diretso ring itinurn-over sa Provincial Explosive Ordnance & Canine Unit para sa proper handling at disposal.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ilan sa mga lumahok sa aktibidad ay mga tauhan ng Philippine Army, Department of the Interior & Local Government, Camalig Municipal Police Station, Albay Police Provincial Office Provincial at iba pa.

Sa ngayon, sa pamamagitang program ay sisiguruhin na ang mga matatanggap na benepisyo ng mga former rebel ay makapagbibigay sa kanila ng bagong pag-asa lalo na sa kanilang mga pamilya.