2 buwan buntis sa Naga City, Cebu, inaswang?

CEBU CITY – Nakaranas ng pagdurogo at nakunan umano sa kanyang dalawang buwan na ipinagbubuntis ang isang babae sa Brgy. Naalad, Naga City, Cebu.

Hinala ng biktima na si Lina Diya Mad, inaswang umano siya noong Hunyo 21, 2023, nang makaidlip sa kanilang kwarto, habang ang ibang miyembro ng pamilya ay nataon naman na wala sa kanilang bahay.

Read More:  Palace withholds judgment on VP Sara impeachment trial

Kwento ni Lina, biglang sumakit ang kanyang tiyan na parang may humihimas-himas, at tila hindi rin umano siya makagalaw at may nakita siyang mahabang itim na anino na papalayo sa kanya, nang magkamalay at humingi ng tulong.

Nang sumigaw si Mad, mabilis namang nagresponde ang mga kapitbahay niya pero nakitang marami nang dugo ang umaagos sa kanyang hita at nang tiningnan ang kanyang tiyan ay marami na itong marka ng mga kalmot at pasa.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kinabukasan, nagpasya si Mad na magpa-ultrasound para masiguradong ligtas ang kanyang anak, ngunit ang naiwan na lang ay inunan at wala nang sanggol.

Lumapit din sila sa isang albularyo para makapaghingi ng tulong at kinumpirma din nito na inaswang siya at sinabing wala na ang bata. // RUTHIE ROSELLO, edited MHEL PACIA