Local Housing Summit, isasagawa ng PGA upang pag-usapan ang permanent relocation ng mga residenteng apektado ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Magtatakda ang Pamahalaang Panlalawigan ng Albay ng isang local housing summit upang pag-usapan kung papaano makapagbibigay ng mga permanenteng pabahay sa mga pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ang mga pamilyang ire-relocate ay ang mga nakatira sa paanan ng nasabing bulkan at sakop ng six kilometer radius permanent danger zone.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ito ay kinumpirma Albay Gov. Atty. Edcel “Grex” Lagman.

Ayon sa kanya, iimbitahan dito ang National Housing Authority (NHA), Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD), at Department of Agrarian Reform (DAR), upang mapag-usapan ang magiging kabuhayan ng mga apektadong pamilya kung sakali mang mai-relocate ang mga ito.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayon pa sa gobernador, hindi kakayanin ng lalawigan na sa bawat ikatlong taon na mag-aalburuto ang bulkan ay ganito ang magiging sitwasyon ng lalawigan.

Sinabi pa ni Lagman na kailangang may livelihood programs at sapat na plano para sa mga bakwit at mga barangay na nasa mga deklaradong danger area.