2 binatang mula sa Oas, Albay, tiklo sa drug buy-bust ops sa Libon

LEGAZPI CITY – Tiklo ang dalawang binata sa isinagawang drug buy bust operation sa Purok New Road, Brgy. Banawan, Libon, Albay.

Parehong mula sa bayan ng Oas ang mga suspek na sina alyas Rudolph, 21 anyos, residente ng Brgy. Manga at alyas Kenny, 27 anyos, residente naman ng Brgy. Saban.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ayon sa report, pinagbentahan ng mga ito ang poseur buyer ng pinaniniwalaang shab, at narekober din sa kanila ang apat pang piraso nito.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa ngayon, ang mga suspek ay nasa kostudiya ng Libon MPS habang inihahanda na naman ang kasong isasampa laban sakanila na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.