Motorista, patay matapos mabangga at magulungan ng truck

Patay ang driver habang sugatan naman ang angkas matapos mabangga ng trailer truck ang kanilang sinasakyang motorsiklo.

Nangyari ang insidente pasado alas-3 ng hapon, Lunes, Hunyo 24, sa National Highway, Consolacion, Cebu City.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ang namatay, kinilalang si Sherwin Sumanting habang ang angkas naman ay lalaking menor-de-edad.

Sa imbestigayson, binabaybay ng dalawang sasakyan ang parehong direksyon at nasa unahan ng truck ang motorsiklo.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Dahil umano sa reckless at imprudent manner na pagmamaneho ng driver ng trailer truck na si Mark nabangga nito ang motorsiklo.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Consolacion Police ang driver ng trailer truck.