2 bata na nakidnap sa Camarines Sur, gagamitin sa pangsariling interes- pnp

NAGA CITY – Gagamitin lamang upang makahingi ng tulong o kaya mamalimos ang 2 bata na nakidnap ng nagdaang araw ng nagpakilalang kaibigan umano ng isang Vlogger na mga residente ng Tigaon, Camarines Sur.

Ito ang lumabas sa imbestigasyon ng PNP Tigaon matapos na masakote ang suspek na kinilalang si Jojo Olaso ng Tinambac, Camarines Sur.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Una nang sinabi ni PCpt. David Olleres Jr. Deputy Chief of Police ng Tigaon MPS, kinumbinsi ng suspek ang magulang ng magkapatid na dadalhin niya ang mga ito dahil pinapakuha umano ito ng isang kilalang Vlogger upang matulungan, subalit napag-alaman na walang inutusan ang Vlogger upang gawin ang bagay na iyon.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Idinagdag pa ni Olleres sa kanilang follow up investigation na napag-alaman pa nakahingi na rin ng kalahating kaban ng bigas ang suspek sa isang Alkalde sa lalawigan matapos na idulog ang kondisyon ng mga bata.

Nahuli naman ng mga otoridad ang suspek sa bayan ng Tinambac at nakatalaang harapin ang kaukulang kaso.