Isang ginang kamakailan sa Espanya ang matagal nang nakararanas ng hindi kumportableng pakiramdam sa kaniyang kaliwang mata dulot ng bumarang maliit na bato 54 taon nang nakalilipas.
Taong 1965 pa ng mangyari ang insidente matapos umano maglaro si Domi ng asarol at nang minsang matamaan nito ang bato ay tumalsik ang maliit na parte nito sa kaniya.
Nang dalhin ito sa doktor dahil sa pagdurugo ng kaniyang mata ay wala naman umano nakitang problema sa kaniang paningin at wala ring nakitang kahit na anong uri ng bato.
Noong una ay wala pa raw siyang nararamdaman nan a problema hanggang sa tumuntong siya sa edad na 28, dito na niya naramadaman ang pagkirot ng kaniyang kaliwang mata.
Wala pa ring nakita ang doktor nang muli tong suriin at inabisuhan si Domi na sa magpatingin sa psychiatrist dahil sab aka mayroon na itong problema sa pag-iisip.
Kalaunan napagdesisyonan din ni Domi na ipa CT scan ito at lumabas sa resulta na mayroon itong cyst sa mata na hindi rin naman nabigyang lunas.
Nang dumating ang taong 2019, dito na napag-alaman na mayroon nga talagang maliit na bato sa kaniyang mata na agad din idinaan sa operasyon sa Badajoz, Madrid.
Kasabay din sa taong ito ang pagdemanda ni Domi sa Extremedura Health Service dahil sa paulit-ulit na maling diagnosis nito.|WL