2.4 milyong pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX ngayong Undas

Inaasahan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na aabot sa 2.4 milyong pasahero ang dadagsa sa terminal mula Oktubre 21 hanggang Nobyembre 5 para sa darating na Undas ngayong taon.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Ayon sa Corporate Affairs Officer ng PITX na si Kolyn Calbasa, maraming bus operators na ang nag-apply ng special permit mula sa LTFRB upang madagdagan ang mga biyahe, partikular na ang patungo sa mga probinsya ng Bicol, Batangas, Tuguegarao, at Baguio.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Pinaaalalahanan naman ang mga pasahero na mag-advance booking o direktang makipag-ugnayan sa mga bus terminal para masigurado ang kanilang biyahe ngayong Undas.