Mutya ng Ibalong sa Legazpi City, ibabalik na

LEGAZPI CITY – Magbabalik na ang Mutya ng Ibalong 2024 kaugnay ng pagbabalik selebrasyon din ng Ibalong Festival sa darating na Agosto sa lungsod ng Legazpi makalipas ang halos mahigit dalawang taon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay City Tourism Office Christina Agapita Pacres, sinabi niya na dahil dito, naglilibot sa saan mang sulok ng Bicol Region ang iba’t ibang komite ng Mutya ng Ibalong dala-dala ang mga forms upang imbitahan ang mga Bicolanang makilahok sa nasabing patimpalak.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop
Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Aniya, nakatakdang isagawa sa mga malls ang screening para sa Mutya sa darating na Hulyo, kung saan kasama na rito ang festival attire nila, swim wear, talent competition at iba pa.