Licensure examination for teachers sa Region 2, isinagawa; 61 examinees nagpositibo sa Covid-19 Antigen test

Mahigpit na pagpapatupad ng health protocols ang naging daan upang maisagawa ngayong araw ang Licensure Examination for Teachers (LET) sa dalawang testing site sa Cauayan City at Tuguegarao City.

Maalala na unang naantala ang naturang eksaminasyon dahil sa mga restriction bunsod ng COVID-19 pandemic.

Tiniyak ng Department of Health Regional Field Office 2 ang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols sa mga examinees kung saan kinailangang sumailalim muna ang mga ito sa Rapid Antigen Testing (RAT) bago makapag-exam.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ayon sa DOH, nasa 2,343 ang bilang ng mgaregistered examinee para sa LET ngayong taon kaya naman puspusan ang ginawang paghahanda ng kagawaran katuwang ng Professional Regulation Commission (PRC), LGUs at PNP.

Mula sa naturang bilang, 61 na mga examinee ang nagpositibo sa antigen test kung saan 22 ang galing sa Cauayan City at 39 naman sa lunsod ng Tuguegarao.

Agad namang isinailalim sa isolation ang mga ito at ipinagbigay-alam sa kanilang mga LGU para maibigay ang kauukulang pangangalaga sa kanila.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ito rin ay para sa isasagawang contact tracing sa lahat ng mga nakasalamuha ng mga ito.

Aminado naman ang kagawaran na maraming naging hamon sa pagsasagawa ng pagsusulit at sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocols.

Gayunman ayon sa DOH, layunin lamang nitong masiguro na ligtas ang mga lahat ng mga nakilahok sa mga testing center at hindi ito pagmulan ng lalo pang hawaan ng COVID-19.