Matagumpay na ipinagdiwang ngayong araw, October 7, 2021 ang ika-19 Founding Anniversary ng Tactical Operation Group 2, Philippine Air force na may temang “Ibayong paglilingkod na may diwa, galing at malasakit tungo sa Kapayapaan at kaunlaran sa kabila ng Pandemya at kalamidad.”
Sa pahayag ni ni TOG2 group Commander LTC Sadiri Tabutol, ipininunto nito ang commitment ng kanilang unit sa pagbibigay ng airpower upang mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa Lambak ng Cagayan sa kabila ng nararanasang COVID-19 Pandemic.
Ibinahagi rin nito ang ilan sa nagawang aktibidad ngf TOG2 tulad ng pagtulong sa naganap na malawakang pagbaha sa Cagayan at Isabela noon 2020 dulot ng bagyong Ulysses, pagsasagawa ng rapid damage assessment and need analysis sa mga apektadong lugar sa Calayan Island maging ang transportasyon ng FFPs at medical supplies sa probinsya ng Batanes.
Ayon pa kay LTC Tabutol, idineklara na rin ng PDEA bilang drug cleared ang kanilang tanggapan.
Samantala, pinuri naman ni BGEN Araus Robert Musico, PAF ang Wing Commander ng Tactical Operation Northern Luzon ang mga nagawa ng TOG2 sa nakalipas na 12 buwan.
Kabilang dito ang natanggap na parangal bilang AFP Battle Streamer noong February dahil sa kooperasyon upang ma-dismantle ang guerilla front sa Nueva Vizcaya, pagbibigay ng airpower sa nakaraang sagupaan ng pamahalaan at makakaliwang pangkat sa Sta Teresita at pagbuo ng Supreme Student Council Society of the Philippines -Isabela chapter.
Bukod dito ay nagsagawa rin ng leaflet dropping, disaster response, rescue operations at transportasyon ng 150,000 vaccines sa Batanes at Coastal Areas.
Sa huli ay nagpasalamat si LTC Tabutol sa suporta na ibinigay ng ibang ahensya ng pamahalaan, stakeholders at media habang pinarangalan rin ang ibang personnel ng TOG2 na nagpamalas ng kanilang dedikasyon sa trabaho.