MOA para sa pabubukas ng satellite office ng SWAD, pirmado na

Pirmado na ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) at Government of Santiago para sa pagbubukas sa Satellite office ng Social Welfare and Development Team sa lalawigan ng Isabela.

Sa pamamagitan ng nasabing satellite office ay mas mapapabilis umano ang serbisyo at maraming matutulungan na residente ng lalawigan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Tiniyak naman ni DSWD FO2 Regional Director Cezario Joel Espejo na magpapatuloy ang paghahatid ng programa ng ahensiya upang matulungang magkaroon ng pangkabuhayan ang kanilang mga benepisaryo.

Kasabay ng naturang aktibidad ay ibinigay na ang financial assistance ng 32 na benepisaryo sa Santiago City kung saan umabot sa 154, 000 pesos ang naipamahagi.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Samantala, umabot na sa 22,284 ang benepisaryo ng Climate Change Adaption and Mitigation Cash for Work program ang nakatanggap ng 2,700 pesos each beneficiary bilang sahod sa 10-araw nilang pagtatrabaho.

Kaugnay dito, mula June- October, 2021 ay mahigit 60 milyon pesos na ang inilaan na pondo ng DSWD para sa nasabing programa kung saan malapit nang matapos ang target na 22, 979 na benepisaryo.