19 sasakyan, nasunog sa extension parking ng NAIA Terminal 3 sa Lungsod ng Pasay

Higit isang dosenang mga sasakyan ang nagliyab sa extension ng parking area ng Ninoy Aquino International Aiport Terminal 3 sa lungsod ng Pasay, pasado ala-una kanina.

Tumagal ang sunog ng 30 minuto bago idineklarang fire out.

Hindi naman naapektuhan sa nangyaring sunog ang operasyon sa paliparan.

Sa pagbisita ni MIAA General Manager Eric Jose Ines – sinabi niyang hindi bahagi ng NAIA ang parking area, kung ‘di isang pay parking area ng isang private concessionaire.

Read More:  PBBM hands over ₱147.9M to Davao de Oro hospital, inspects housing project in Davao City

Sa kabuoan, nasa 19 sasakyan ang nasunog.

Ayon sa tauhan ng Bureau of Fire Protection na rumesponde sa insidente, grass fire ang pinagmulan ng sunog, na posibleng pinalala ng tuyong damuhan at malakas na hangin.

Sabi ni PNP-AVSEGROUP Director PBGen. Christopher Abrahano, iniimbestigahan na rin ng Aviation Security Group ang insidente.

Read More:  Ombudsman orders Martin Romualdez to answer plunder, graft, bribery complaints

Ito umano ang unang beses na nasunog ang maraming bilang ng kotse sa naturang parking lot.

Ayon kay PBGen. Abrahano, batay sa mga nakasaksi, nagsimula ang sunog sa isang black fortuner at nadamay ang mga katabing sasakyan.

Tustado na ang ilan, wala ng mga salamin at hindi na rin makita ang plate number dahil napulbos na rin ang plaka.