DepEd – nagbabala laban sa kumakalat na fake scholarship

Binalaan ng Department of Education (DepEd) ang publiko laban sa mga kumakalat sa social media na umano’y pag-aalok nito ng mga scholarsip grants.

Sa mga posts kasi online – makikita ang retrato ni Vice President and Education Secretary Sara Duterte, katabi ang lsitahan ng scholarships.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Naglalaro sa P5,000 hanggang P10,000 ang scholarships sa elementary, high school, college, at vocational.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Ang siste – magpi-prisenta lang ng school id para makapagpalista.

Sabi ng DepEd – wala itong katotohanan.

Nagpaalala rin sila na ‘wag basta-basta magbibigay ng mga impormasyon ng kanilang mga anak.