Mga atletang lalaban sa Paris Olympics, binigyan ng cash assistance

Nakatanggap ng tulong pinansyal ang apat na Filipino Olympians mula sa tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Kabilang rito ang mga boksingerong sina Nesthy Petecio, Hergie Bacyadan at Aira Villegas, gayundin ang fencer na si Samantha Catantan.

Ito na ang ikatlong batch ng mga atletang Pinoy na napamahagian ng cash assistance bago tumungo sa Paris Olympics Summer Games.

Nauna nang nagbigay ng tulong pinansyal ang Office of the Speaker sa mga gymnast na sina Levi Jung-Ruivivar at Carlos Yulo, weightlifters John Ceniza, Eireen Ando at Vanessa Sarno, at rower Joanie Delgaco.

###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *